25

Jul 6, 2020 @ 22:52

‘Crash Landing On You’ actress binibingwit para sa Hollywood film

Dahil sa tagumpay ng “Crash Landing On You”, ilang bida rito ang dinadagsa ng mga offer.

Kabilang na nga rito si Hyun Bin na ginawang endorser ng sikat na clothing brand sa Pilipinas.

Ngayon naman ay balitang nakikipag-usap na ang katambal niyang si Son Ye Jin para sa Hollywood debut.

Ayon sa report ng Soompi, kinumpirma ng agency ng aktres na MS Team Entertainment, na “in talks” na ito para sa pelikulang “The Cross”.

Sakaling matuloy, makakasama rito ni Son Ye Jin si Australian actor Sam Worthington, na bidang aktor sa “Avatar” at “Clash of the Titans”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?