75

Jan 16, 2018 @ 10:01

Cranberries lead singer Dolores O’Riordan pumanaw na

Namatay na ang Cranberries lead singer na si Dolores O’Riordan sa edad ng 46, ayon sa kanyang publicist.

Ang Irish musician na si O’Riordan ay nanguna sa tagumpay ng grupo noong dekada 90 at kabilang sa napasikat nilang kanta ay ang Linger at Zombie.

“The lead singer with the Irish band The Cranberries was in London for a short recording session. No further details are available at this time, ” ayon sa statement ng kanyang publicist.

Sabi ng Metropolitan Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang hotel sa Park Lane noong Lunes kung saan sinabing isang babae na nasa mid-40s” ang natagpuang walang buhay sa kanyang silid.

Hindi pa matukoy hanggang sa ngayon kung ano ang ikinamatay nito.

Nagbigay naman ng tribute ang mga kasakukuyang band mates ni O’Riordan sa Cranberries na sina Noel Hogan, Fergal Lawler, at Mike Hogan sa social media.

Sabi ng grupo: “She was an extraordinary talent and we feel very privileged to been part of her life from 1989.”

Dagdag pa ng kanyang publicist: “Family members are devastated to hear the news and have requested privacy at this very difficult time.”

Nagsimulang sumikat ang Cranberries noong 1993 nang ilabas nila ang kanilang debut album na Everybody Else Is Doing It, So Why Can’t We? na bumento ng 40 million records worldwide.

Noong 2017, nagkaroon ng concert tour ang Cranberries sa Europe, the UK, at US subalit naudlot ito dahil isyu ng kalusugan ni O’Riordan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?