48

By

Crackdown sa plaka na 8, ilalarga ng HPG

Sharing is caring!

Huhulihin na ang mga motorista na gumagamit ng mga sasakyan na may special at commemorative license plates.

Ayon kay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director Chief Supt. Roberto Fajardo, nag-isyu na siya ng kautusan sa lahat ng hepe nationwide para magsagawa ng crackdown sa plaka na 8 para tulungan ang Kongreso na i-crackdown ito.

Ang kautusan ni Fajardo ay matapos masangkot ang motoristang si Jojo Valerio sa insidente sa daan sa Angeles City, Pampanga habang minamaneho ang isang sports utility vehicle na may plate number “8”.

Inaresto si Valerio noong Nobyembre 14 sa Tarlac at sinampahan ng mga kasong grave threat, serious physical injury, abuse at usurpation of authority at paglabag sa traffic rules.

Sa naging viral video, makikita si Valerio habang sinusuntok ang isa pang motorista na nasa loob ng sasakyan.

Ayon sa biktima, ipinagmamalaki umano ni Valerio na may kaanak itong kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }