50

By

CPP-NPA opisyal nang dineklarang terorista ni Duterte

Sharing is caring!

Opisyal nang inihanay ng gobyerno sa mga teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon para ganap nang tawaging terrorist organization ang kilusang komunista.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, ilalabas nila ang pirmadong deklarasyon ng Pangulo sa sandaling mayroon nang numero ito sa tanggapan ng Office of the Executive Secretary.

“Its a proclamation declaring the CPP-NPA as a designated /identified terrorist organization under Republic Act 10168. As you know, R.A. 10168 is the Human Security Act , and the Human Security Act says that “designated persons, such any person or entity designated or identified as a terrorist, one who finances terrorism, or terrorist organization or group under the applicable UN security council resolution or by another jurisdiction or Supra jurisdiction,” ang pahayag ni Roque.

Agad inatasan ng Office of the Executive Secretary ang Department of Justice (DOJ) na mag-file ng petisyon sa Regional Trial Court para ma-classify ang CPP-NPA bilang mga terorista.

“Because of the Proclamation, the secretary was directed by the Executive Secretary to file a petition in the RTC. It is not automatic that just because the executive has classified the group as a terrorist organization, it will be considered as a terrorist organization under the domestic law and under relevant security council resolution,” dagdag pa ni Roque.

Ang mga mapapatunayang nagbibigay ng tulong-pinansiyal sa CPP-NPA ay mananagot sa batas. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?