89

Nov 30, 2017 @ 19:31
By

CPP-NPA-NDF consultants, hindi pa puwedeng dakpin – AFP

Tinutukoy lamang ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang galaw at kinaroroonan ng mga Communist Party of the Philippine, New Peoples Army, National Democratic Front ( CPP NPA NDF) consultants

Ito ay kahit kanselado na ngayon ang safe conduct pass na hawak ng mga CPP NPA NDF consultants matapos na pormal ng tinapos ni Pangulong Rodrido Duterte ang peacetalks sa pagitan ng CPP NPA NDF.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col Edgard Arevalo, hindi pa nilang maaring basta arestuhin ang mga consultants dahil kailangan pa raw nila ng official order mula sa higher office.

At habang naghihintay nang official order patuloy ang kanilang paghahanap at pagmonitor sa sa mga ito..

“We are going to await any further instruction tungkol dito but yung monitoring ginagawa natin”sinabi ni Arevalo.

Ilan sa kilalang CPP NPA NDF consultants ay ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?