109

Nov 2, 2018 @ 13:55
By

CPP-NPA-NDF bilang terrorist organization, pinatututukan ni Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte and Department of Justice (DOJ) na isulong ang kaso laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang terrorist organization.

Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo matapos pulungin ang Executive Committee ng National Security Council.

Naging sentro ng pulong ang mga serye ng panggugulo ng kilusang komunista bilang bahagi ng kanilang plano na pabagsakin ang gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inisa-isa sa pulong ang mga gimagawang karahasan ngayon ng mga NPA kung saan ang pinakahuli ay ang pagpatay ng mga rebelde sa siyam na magsasaka sa Sagay City.

“The President was unwavering with regard to the issue as a result of the communist group’s efforts in infiltrating and overthrowing the government. President Duterte ordered the Department of Justice (DOJ) to pursue the proscription case against the CPP/NPA/NDF as a terrorist organization,” ani Panelo.

Mataandaang pansamantalang naisantabi ang usapin sa pagdedeklara bilang terorrist organization sa CPP-NPA-NDF dahil sa pagbubukas ng peace talks noong 2017.

Inihayag din ng Pangulo sa ipinatawag na pulong ang pagtatag ng National Task Force na tututok sa mga panggugulo ng mga lokal na komunista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?