48

By

CPP-NPA bilang terorista, aprub sa AFP

Sharing is caring!

Sang-ayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituring na mga terorista ang mga miyembro ng Communist Party of the Pilippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang reaksiyon ng tagapagsalita ng AFP na si Major General Restituto Padilla.

Sa naging pahayag ng Pangulo, patuloy ang panggugulo at paggawa ng krimen ng mga NPA kung saan nadadamay ang mga inosenteng sibilyan at dapat lamang daw na ituring nang mga terorista ang mga ito at huwag nang isulong pa ang usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni Padilla na marami nang krimen o terrorist act na ginawa ang NPA kaya tama lamang daw ang desisyon ng Pangulo.

Sa ngayon ay nakatuon ang military operation ng AFP sa mga lugar na apektado ng iligal na aktibidad ng NPA partikular ang kanilang ginagawang economic sabotage extortion at paninira ng mga infrastructure equipment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?