132

Aug 27, 2019 @ 14:54
By

CPP: Dinakip na NDFP consultant palayain!

Giniit ng Communist Party of the Philippines nitong Martes, Agosto 27, ang agarang paglaya ng dinakip ng pulis at militar na National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Esterlita Suaybaguio sa apartment nito sa Cubao kahapon ng umaga.

“Ms. Suaybaguio’s arrest again puts to focus the grave abuses perpetrated daily by military and police forces against the people especially in Mindanao under open military rule, as well as in Negros, Samar and Bicol where Duterte has deployed large numbers of military troops,” ayon sa CPP.

“Duterte and his fascist agents are using ‘anti-communism’ and ‘anti-terrorism’ to justify their campaign of suppression against the broad democratic forces which have been actively campaigning against the regime’s brutality, treachery, corruption and oppression against the people,” dagdag nila.

Paniwala rin ng Partido na ang umano’y inihain na trumped up charges ng illegal possession of explosives kay Suaybaguio ay paraan nina PNP Maj. Gen. Guillermo Eleazar and AFP Brig. Gen. Alex Luna upang patagalin ang pagkakabilanggo ng NDFP consultant.

Tahasan umano itong paglabag ng mga karapatan ni Suaybaguio, isang Mindanao concerns consultant, ayon sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na pinirmahan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at ng NDFP.

Ayon sa parehong pahayag, sinabi ng CPP na dapat na ring palayain ang iba pang bilanggong NDFP consultant, gaya nina Rey Casambre, Vicente Ladlad, Adel Silva, Renante Gamara, Ferdinand Castillo, at ilang daan pang bilanggong pulitikal ng bansa. (Riley Cea)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?