37

Jan 7, 2019 @ 17:41
By

CPP dapat magpakita ng sinseridad sa peace talks – Gordon

Iginiit ni Senador Richard Gordon na dapat ipagpatuloy ng Duterte administration at ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang usapang pangkapayapaan.

Sa kabila ito ng palitan ng maaanghang na salita nina Pangulong Rodrigo Duterte at CPP founding chairman Jose Maria Sison.

Ayon kay Gordon, laging dapat isulong ang negosasyon para matigil ang patayan at magkaroon ng kapayapaan ang mga lugar na pinapasok ng mga rebeldeng maka-komunista.

Idiniin naman nito na kapwa dapat magpakita ng sinseridad sa pakikipag-usap ang dalawang kampo.

Pinuna na habang nakikipag-usap ang liderato ng CPP sa gobyerno, gumagawa ng krimen gaya ng pananambang, panununog at extortion, ang mga kasapi ng armed component nito na New People’s Army.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?