37

By

CPP consultant Ladlad, 2 pa kinasuhan ng QCPD

Sharing is caring!

Sinampahan ng kaso ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., sa korte ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Communist Party of the Philippines (CPP) consultant Vicente P. Ladlad at dalawa pang kasamahan nito na sina Alberto Villamor at Virginia Villamor.

Ayon kay PCSupt Esquivel Jr., kanilang isinampa ang kaso kay QC Assistant City Prosecutor (ACP) Julan C. Ilao, gayunman kanila pa umanong hinihintay ang resolusyon at aprubasyon ng Chief Inquest Prosecutor.

Magugunitang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) si Ladlad at na may mga alyas na ‘Eduardo Reyes,’ ‘Boss Ed,’ at ‘General Reyes’, na umano’y lider ng National United Front Commission at miyembro ng CPP Central Committee at dalawang tauhan nabanggit na tauhan nito, dakong alas-12:43 ng madaling-araw nitong nakaraang Nobyembre 8.

Sila sa Lot 16-A, Block 3, Saint Mark St., kanto ng Saint Joseph St., Doña Tomasa, Brgy. San Bartolome, Novaliches, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert ng Regional Trial Court (RTC) Branch 89, National Capital Judicial Region.

Nakumpiska sa kanila ang isang Russia SKS (AK 47 na may bayoneta); isang magazine assembly para sa AK 47 na may siyam na rounds ng 7.62×39 mm ammunitions; isang Elisco M16A1 assault rifle; tatlong magazine assemblies; at dalawang M16A1 assault rifle na loaded ng 80 rounds ng 5.56mm ammunition.

Kabilang sa nasamsam ang isang kalibre 45 Colt MK IV series 80; dalawang magazine assemblies para sa kalibre .45 na loaded ng 21 rounds ng ammunition; isang caliber .9mm pistol; isang magazine assembly para sa kalibre 9mm na loaded ng tatlong rounds ng ammunition; isang Colt caliber 45 pistol; isang magazine assembly para sa kalibre .45 na loaded ng limang rounds ng ammunition; apat na hand grenades; electronic equipment; at mga subversive documents.

Ayon sa QCPD, si Ladlad ay isa sa mga consultant ng NDF na lumutang noong panahon ng usapang pangkapayapaan sa gobyerno ngunit nagtago ng hindi magtagumpay ang naturang peace talks.

“As far as the suspects are concerned, they shall remain in custody of the QCPD until an order coming from the court says otherwise. With the filing of charges against them, they shall have their days in court to prove their innocence”, ayon sa QCPD chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?