89

Mar 21, 2020 @ 2:02
By

CPFI, may sapat na supply ng canned foods

Tiniyak ng Century Pacific Food, Inc. (CPFI) sa publiko na may sapat na supply ang kanilang mga produkto sa kasagsagan ng coronavirus o COVID-19 crisis.

“Thanks to the support of the Department of Trade & Industry and the Inter Agency Task Force, we are able to maintain a smooth flow of goods. Our factories are continually operating with enough capacity despite the use of skeletal workforce. Thus, we currently have sufficient stock of products in our warehouse so there is no need to panic or worry that supply might run out,” pahayag mula kay CPFI Ted Po.

Ilan sa mga kilalang produkto ng CPFI ay ang Century Tuna, Argentina, 555 sardines, Swift, Birch Tree Fortified Milk, Angel Milk, Fresca, Wow Ulam, Hunt’s at Coco Mama.

Sinugurado rin ng country’s biggest canned food maker na mayroon silang sapat na raw materials at ingredients para mapanatili ang kanilang produksyon.

Dagdag pa rito, mayroon rin sapat na supplies ang kanilang mga trade partners, distributors at retailers.

Paalala rin ng CPFI, “Let us all do our share in beating COVID 19 by not panic buying.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?