6

Dec 14, 2020 @ 19:27
By

COVID vaccination program hihimayin ng Senado

Hinikayat ni Senador Francis Pangilinan ang Senate Committee of the Whole na talakayin ang plano ng gobyerno sa bakuna kontra COVID-19.

Sa kanyang privilege speech, sinabi nitong maraming mga kuwestiyon ang hindi pa nasasagot at kailangang magkaroon ng transparency para maging matugumpay ang pagbabakuna sa mga Pinoy laban sa novel coronavirus.

“The fact that the senators are pretty much in the dark [with regards] the game plan does not bode well for transparency and accountability in the vaccine rollout,” sabi ni Pangilinan.

“A massive rollout for this vaccination program also needs an effective information and dissemination campaign to make it work,” dagdag pa nito kasunod ng survey kung saan lumabas na 31% ng mga Pinoy ay ayaw magpabakuna kontra COVID-19.

Sabi ni Pangilinan, dapat talakayin ang game plan ng gobyerno sa programa sa pagpapabuka kontra coronavirus partikular ang iskedyul, istratehiya at kung sino ang unang benepisaryo nito.

Ang Senate Resolution 594 ay ini-refer sa Committee on Rules sa pangunguna ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Pinagtibay ni Zubiri ang resolusyon at inatasan ni Senate President Vicente Sotto III ang komite na magtakda ng petsa para sa pagdinig nito.

Sabi ni Sotto, maaaring isagawa ito sa Disyembre 21 o Disyembre 28 o sa Enero 2021, depende sa pagkakasunduan ng mga senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?