25

Jun 19, 2020 @ 18:24
By

COVID testing capacity tataas dahil sa laboratoryo sa Clark

Inaasahang tataas pa ang testing capacity ng Philippine Red Cross (PRC) para sa coronavirus dahil sa magbubukas na bio-molecular laboratory nila sa Clark, Pampanga ngayong Biyernes (June 19).

Aabot sa 2,000 PCR tests ang kayang isagawa kada araw ng molecular laboratory.

Nagsagawa na ng inspeksyon nitong umaga si Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon sa pasilidad.

Layunin daw nito na maisailalim sa test ang marami para agad ma-isolate ang mga magpopositibo at maiwasang makahawa.

“Our aim is to really get our people tested so that we can immediately isolate those who are affected and prevent the non-carriers from acquiring the virus,” ani Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?