9

Dec 8, 2020 @ 17:38
By

COVID test result pineke, 5 turista dakma

Nasakote ang limang turista sa Boracay Island matapos nilang magsumite ng resulta ng COVID-19 test na photocopy lang pala.

Anim na test result ang sinumite ng isang grupo ng mga bisita mula Luzon, tapos isa lang pala roon ang totoo.

Kinumpirma rin ng accredited testing center kung saan sinagawa ang test na isa lang sa anim na turista ang nagpa-test.

Ayon sa pulis Aklan, nagtago sa loob ng kanilang hotel room ang mga turista–na pumasok sa Boracay noong Sabado–matapos nilang malaman na hinahanap sila ng pulisya.

Sumuko sila, Lunes ng gabi.

“Makakapasok man sila, mahuhuli pa din,” babala pa ni Aklan Police provincial director PCol. Esmeraldo Osia Jr. sa mga nagbabalak na gayahin ang pamemeke.

Sa ngayon, napaulat na nasa quarantine facility sa Kalibo ang mga suspek kung saan kailangan nilang mag-swab test at mag-quarantine nang 14 araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?