48

May 9, 2020 @ 13:25
By

COVID test lab sa Cavite, pasado na sa DOH

Sa wakas ay makakapagsimula na ng mass testing sa probinsya ng Cavite dahil aprubado na ang tinayong COVID-19 testing laboratory, ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

Base sa Facebook post ng gobernador, makakapag-operate na ang De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) matapos itong bigyan ng certification ng Research Institute for Tropical Medicine.

Nitong Biyernes naaprubahan ang kanilang testing center, kung saan uunahin nila ang mga frontliner para sa libreng COVID-19 testing.

“Time to work. Time to implement our healing strategy. Next week, we will start testing the frontliners for free,” saad ni Revilla.

Sa ngayon ay nasa 205 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Cavite.

https://www.facebook.com/JonvicRemullaJr/posts/2741783469265288

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?