9

Jan 5, 2021 @ 11:37
By

Covid test gamit laway OK kay Duterte

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 test na ginagawa sa pamamagitan ng saliva o laway.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, kung 99 percent aniya na epektibo ang saliva test ay dapat na gamitin ito sa ginagawang testing sa publiko.

Mura din umano ang saliva test at mas madaling gawin kumpara sa swab test.

” May bago raw, sabi ni Gordon na ang swabbing sa saliva ay 99 percent. O’ di yan gamitin ntin,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi siya komportable kapag sumasailalim sa swab test dahil nasasaktan ito sa tuwing kinakalikot ang kanyang ilong.

“Everytime na kinakalikot yung ilong ko nagmumura ako kasi masakit,” dagdag ng Pangulo.

Pabor si testing czar secretary Vince Dizon sa paggamit ng saliva test para sa pagtukoy sa mga inidbidwal na positibo sa COVID-19.

Maging ang Project Ark, isang pribadong grupo ay isinusulong ang paggamit ng saliva test dahil bukod sa mura ang halaga ay mas madaling gawin ito para sa mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?