11

Apr 7, 2021 @ 15:24
By

COVID surge dahil sa locals, hindi turismo – DOT

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi dahil sa panunumbalik ng turismo kundi dahil sa mga lokal na residente.

Giniit ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na agad niyang kinokontak ang mga lokal na opisyal kapag tumataas ang bilang ng mga coronavirus patient sa mga tourist spot na binuksan na habang may pandemya.

“Proud to say, since we reopened, I have to say na kasi when you reopen talaga, you really work closely with the LGU and the private sector. Tulong-tulungan kayo. And because siguro tulong-tulungan ang national government, LGU, at private sector, walang outbreak because of tourism,” ani Puyat sa Inquirer.

“It’s the locals, it’s not tourism. I look at all the cases, like for example in Baguio, tumataas ang cases nakikita ko. I always call up Mayor [Benjamin] Magalong and then he says ‘No, no, no, it’s not because of tourism; it’s because of other factors.’ Not related to tourism but the locals that are there,” paliwanag niya pa.

May mga nang-usisa sa posibleng ambag ng turismo sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, lalo pa at may mga napaulat na ilang turistang nameke ng kanilang coronavirus test result para ma-enjoy ang tourist spot tapos kalauna’y nadiskubreng positibo pala sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?