28

Jul 27, 2021 @ 15:05
By

COVID sa NCR muling sumisirit – OCTA

Nakararanas muli ng COVID-19 surge ang National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research nitong Martes.

Lahad ng grupo, umaabot na sa halos 1,000 ang average na bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon, kasunod ng pagpasok ng Delta variant sa bansa.

“Hindi pwedeng baliwalain ito. Hindi pwedeng hindi pansinin itong pagtaas,” ayon kay OCTA Research member Prof. Ranjit Rye.

Aniya, kapag umabot sa 2,000 ang kaso ng COVID-19 kada araw sa NCR ay muli na namang mapupuno ang mga ospital.

Lahad pa ng eksperto, nasa 1.33 na ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila, na itinuturing ng ‘high risk’ sa COVID-19.

“Kapag hindi pa ito mapigilan, we need to have a discussion kung ano pa yung mga pwede nating madagdag na restrictions or interventions para mapabagal yung pagtaas ng mga cases,” lahad naman ni OCTA Research fellow Prof. Guido David.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?