254
Taas-kontribusyon sa SSS magpapahirap sa mga manggagawa, matinong employer - Bayan Muna
Apr 13, 2021 @ 17:53
By

COVID response ni Duterte nakamamatay – Colmenares

Pinukol ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares ang mabagal na pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga apektado ng dalawang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at apat karatig lalawigan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Colmenares na ang “incompetent” COVID response ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakamamatay.

Dagdag niya, sa pag-amin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 8% pa lamang sa 22.9 milyong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda, pihadong maraming mahihirap ang magugutom sa gitna ng mga lockdown.

“President Rodrigo Duterte’s incompetent COVID response is deadly. With the admission by DSWD that only 8% of the 22.9 million beneficiaries have received the already very low ayuda, many of the poor will go hungry in the midst of lockdowns and restrictions,” saad ni Colmenares.

“This will force many in the NCR Plus bubble to go out to look for means to provide food for their family thereby endangering their lives,” dagdag niya pa.

Sabi pa niya, higit isang taon na ang lumipas ay “inefficient” at “incompetent” pa rin ang mga opisyal ng gobyerno sa paghawak sa aid disbursement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?