33

Oct 21, 2021 @ 16:38
By

COVID reproduction number sa NCR bumaba pa sa 0.47 – OCTA

Patuloy pang bumabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila.

Inanunsyo ito ng OCTA Research Group ngayong Huwebes matapos makita ang pagbaba ng COVID-19 reproduction number sa National Capital Region sa 0.47.

“Current 7-day average in PH is 6416 and 1156 in the NCR,” ani OCTA fellow Dr. Guido David.

“Based on current trends, the country is tracking at less than 5k new cases (7-day average) by end of October with less than 1k in NCR,” dagdag paniya.

Dagdag pa rito, bumaba rin anila ang reproduction number ng buong bansa sa 0.55.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa dami ng tao na maaaring mahawa mula sa isang positibong kaso.

Ayon sa pag-aaral, ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugang bumabagal na ang pagkalat ng virus.

Kasalukuyang may naitala ng 2,727,286 COVID cases sa bansa kung saan 68,832 dito ay aktibo. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?