16

Oct 14, 2021 @ 16:01
By

COVID ‘pumirme’ sa QC

Kasalakuyang nasa moderate risk na lang ang Quezon City matapos makitaan ng pagbaba sa reproduction number ng COVID-19 dito.

Ayon sa pahayag ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department, bumulusok kasi sa 506 ang dating 793 daily COVID cases na naitatala nila.

Katumbas anila ito ng pagbaba ng COVID reproduction number sa 0.64 na dating 0.91.

“This is now half of the peak of the last surge from September 12 to 18, which was 1117 cases,” saad ng lokal na pamahalaan sa isang pahayag.

Kaugnay nito, sinabi ng OCTA Research Team na maaari pang bumaba sa 200 ang COVID daily cases ng naturng lungsod batay sa kanilang projections.

“The projections based on current trends indicate that the daily new cases in Quezon City could decrease to 200 by the end of October,” sambit ni Professor Guido David. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?