10

Sep 18, 2020 @ 16:28
By

COVID positive sa ‘Pinas lumobo sa 279K

Umakyat sa 279,526 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Biyernes.

Ito’y matapos maitala ng Department of Health ang karagdagang 3,257 na kaso, na dahilan din para sumampa sa 65,906 ang active case.

Karamihan pa rin sa mga bagong tinamaan ng virus ay mula sa NCR na may 997, sunod ang Bulacan (282), Cavite (179), Negros Occidental (152) at Cebu (127).

Samantala, umabot na sa 208,790 ang bilang ng gumaling sa 733 new recovery.

Habang natakda ang death toll sa 4,830 sa 47 bagong nasawi sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?