4

Feb 23, 2021 @ 16:25
By

COVID-positive sa PH 564K na

Pumalo na sa 564,865 ang kabuuang dami ng mga COVID-19 case sa Pilipinas matapos maitala ang 1,414 bagong kaso ngayong Martes.

29,817 naman ang mga aktibong kaso.

Ayon pa sa Department of Health (DOH), Pebrero 23, nadagdagan ng 16 ang bilang ng mga namatay habang may 72 pang gumaling mula sa naturang respiratory illness.

Dahil dito, 12,107 na ang death toll habang 522,941 na ang mga coronavirus survivor sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?