26

Jul 5, 2020 @ 20:51
By

COVID positive sa Cebu City, sampa sa 6,000

Umabot na sa 6,000 mark ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Cebu City.

Nitong Linggo ay inanunsyo ng Cebu City local government na sampa sa 6,142 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Ayon naman sa Cebu City Health Department, akyat sa 3,233 ang bilang ng mga gumaling matapos na 90 pasyente ang dumagdagdag sa nakarekober.

Habang isa naman ang napaulat na nasawi dahilan para bahagyang tumaas ang death toll sa 221.

Sa ngayon ay Cebu City pa rin ang may pinakamataas na kaso sa mga lungsod sa bansa, sinundan ang Quezon City na may 3,707 kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?