26

Oct 25, 2020 @ 16:49
By

COVID positive sa bubble, niyanig mga PBA player

Kinumpirma ni testing czar Vince Dizon na isang manlalaro ang nagpositibo sa COVID sa loob ng PBA bubble.

Nitong Linggo, sinabi na isang manlalaro ang probable COVID-19 patient at agad na naka-isolate na matapos ang resulta.

“Yung ating PBA player na may lumabas na positive result kagabi, na-isolate na. We’re asking the PBA to conduct an Antigen and RT-PCR for the player who tested positive,” saad ni Dizon.

Ang nasabing manlalaro ay parte ng Blackwater Bossing, kung kaya’t pinag-isolate na rin ang mga ito pati na rin ang TNT Tropang Giga na huling nakalaro ng naturang koponan.

Samantala, ilang PBA player naman ang napa-react sa social media kasunod ng pagkumpirma na may isang nagpositibong manlalaro sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?