20

Sep 10, 2021 @ 16:34
By

COVID positive puwede bumoto – Comelec

Maaaring bumoto sa 2022 elections ang mga registered voter kahit magpositibo sa coronavirus disease, ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas.

Naitanong ito ni Zamboanga City Rep. Manuel Dalipe kay Abas sa deliberasyon ng panukalang P26.728 bilyong budget ng poll body.

“If a registered voter is tested positive for COVID, can that registered voter vote in [the] upcoming May 9 national and local elections?” tanong ni Dalipe.

Sagot ni Abas, “Oo naman po. Puwede po silang bumoto.”

Pero aniya, magkakaroon ng parang isolation center sa bawat polling center para sa mga magpopositibo.

“Doon natin sila pabobotohin, doon sa isolation center,” saad ni Abas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?