11

Jul 20, 2021 @ 15:17

COVID positive mula Indonesia, pumuslit sa Butuan

Nakatakas sa quarantine ang isang marinong Pinoy na sakay ng isang barko na nagmula sa Indonesia, kung saan 12 sa crew nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang marino ay kasama sa nagpositibo sa new coronavirus, at bumiyahe ito patungong Butuan City nang hindi pinapaalam sa kapitan.

“Ito ay na-report agad sa mga kinauukulan, nakuha nila agad ang kasong sumakay sa public transport and also those close contacts na nakasakay sa public transport pati na rin ang pamilya nitong bumaba ng vessel,” sambit ni Vergeire.

Sinailalim na sa quarantine ang marino, habang nilagay na rin sa isolation ang mga nakasalamuha nito.

Ang M/V Tug Clyde at Barge Claudia ay dumaong sa Sto. Domingo, Albay nitong Martes, kung saan hindi pa pinapayagan ang mga sakay nito na bumaba sa barko.

Maingat ang mga awtoridad lalo’t nanggaling ang barko sa Indonesia, kung saan nananalasa ang mas nakahahawang Delta variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?