3

Jul 15, 2020 @ 18:12
By

COVID positive 58K na – DOH

Pumalo na sa 58, 850 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo COVID-19 na naitala sa bansa hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Miyerkoles.

Nabatid na nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,392 bagong COVID-19 infection. Sa naturang bilang, 512 ang fresh case habang 880 naman ang late case.

May 517 namang bagong naitala na nakarekober mula sa virus. Dahil dito, nasa 20,976 na ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19.
Habang may 11 namang ang naitalang nasawi dahil sa virus na mga nasa edad 60 pataas.

Nabatid na nasa 1,614 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?