39

Jun 15, 2021 @ 11:45

COVID patient, hinalay sa isolation facility

Matapos magpagaling ang isang pasyente ng COVID-19 sa Legazpi City, Albay ay naghahanda na itong umuwi mula sa isolation facility sa lugar.

Ngunit bago pa makauwi ay inaya pa siyang uminom ng isang kapwa pasyente. At sa ‘di inaasahang pangyayari ay ginahasa pa siya nito  – sa mismong pasilidad.

Naaresto naman ang suspek.

Samantala, pinaiimbestigahan na ang pangyayari, lalo na ang isolation facility dahil naging maluwag ito at nakalusot ang alak, gayundin ang panggagahasa ng suspek.

Sa ngayo’y wala pang pahayag ang namumuno ng pasilidad tungkol sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?