28

Apr 6, 2021 @ 20:03
By

COVID napasok Miss Eco International? Miss World PH siniguro kaligtasan ni Kelley Day

Naglabas na ng pahayag ang Miss World Philippines tungkol sa kandidata ng Pilipinas na si Kelley Day matapos itong sumabak sa Miss Eco International.

May mga bali-balita kasing ilang nakasama sa pageant ni Kelley ay nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay MWP national director Arnold Vegafria, kanilang sinisiguro ang kaligtasan ni Kelley, na naging first runner-up sa naturang kompetisyon.

“Miss World Philippines is coordinating closely with the Miss Eco International organization in ensuring the health and safety of all the candidates in its recently concluded pageant,” ayon kay Vegafria.

“We remain optimistic as we await the results of the organizers’ routinary medical testing procedures,” lahad pa.


Wala pang pahayag ang Miss Eco International sa naturang rumor na napasok ng COVID-19 ang kanilang pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?