27

Jul 17, 2021 @ 12:24
By

COVID nagiging pandemya ng mga hindi bakunado – US health official

Nagbabala ang isang top US health official tungkol sa “pandemic of the unvaccinated”.

Kasalukuyan kasing nakararanas ng “pandemya ng mga hindi bakunado kontra COVID-19” ang Amerika, ayon kay Rochelle Walensky, director ng Centers for Disease Control and Prevention.

Tumalon ang mga bagong COVID case ng US ng 70% sa nakalipas na linggo.

Mahigit 33,000 bagong kaso ang iniulat sa US noong Huwebes, sabi pa ni Walensky sa Financial Times report.

“This is becoming a pandemic of the unvaccinated,” lahad ni Walensky.

Nakita umano ang mga outbreak sa ilang parte ng Amerika na may mababang bilang ng mga nabakunahan.

“We are seeing outbreaks of cases in parts of the country that have low vaccination coverage because unvaccinated people are at risk,” sabi pa ni  Walensky.

Samantala, nagpahayag ng pag-aalala ang administrasyong Biden na ang pag-aalangan sa pagpapabakuna ng karamihan ay dahil sa mga maling impormasyon na kumakalat sa social media.

“They’re killing people… The only pandemic we have is among the unvaccinated and they’re killing people,” lahad ni President Joe Biden. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?