33

Sep 9, 2021 @ 15:09
By

COVID lusot sa ampunan, 99 bagets sapul

Pinasok na rin ng COVID-19 ang Gentlehands Orphanage sa Barangay Bagumbuhay, Quezon City kung saan 122 bata at kawani ang nagpositibo, ayon kay Mayor Joy Belmonte.

Sa mga ito, 99 ang mga bata na edad 18 pababa.

Naka-quarantine na umano ang mga COVID patient.

Nagpadala na rin ang opisina ni Belmonte ng mga gamot gaya ng paracetamol at mga bitamina, maging mga hygiene kits, face masks, alcohol at pagkain sa naturang ampunan.

Lumabas sa pagiimbestiga ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na mula sa isang bisita ng ampunan ang kumalat na virus.

Asymptomatic umano ang bisita kaya’t wala itong kaalam-alam na naipasa niya ang COVID sa mga nasa Gentlehands.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?