45

Jun 9, 2020 @ 13:11
By

COVID lumalala: Mga bansa ‘wag petiks – WHO

Sinabi ni World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na tumitindi ang situation ng COVID-19 outbreak sa daigdig.

Ito, kahit pa aniya umaayos na ang lagay ng coronavirus sa Europe.

“Almost 7 million cases of Covid-19 have now been reported to WHO, and almost 400,000 deaths,” wika ni Tedros, Lunes, sa ulat ng Chinese state media Xinhua na ni-repost ng PNA.

“We also see increasing numbers of cases in parts of Eastern Europe and Central Asia,” dagdag niya.

Nagpaalala rin ang opisyal na dapat ‘di pa rin mag-chill ang mga bansa ukol sa COVID-19 crisis.

“More than six months into this pandemic, this is not the time for any country to take its foot off the pedal,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?