61

Sep 17, 2021 @ 17:51
By

COVID is real! Preggy esmi ni Chito nagpabakuna

Naniniwala ang asawa ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda na totoo ang COVID-19 kaya kahit buntis ay nagpabakuna siya laban dito.

Sa kanyang Instagram, masayang binalita ni Neri Miranda na fully vaccinated na siya ng Sinovac vaccine.

“Second dose, done! Yehaaaay! 2days ago, nakumpleto na bakuna ko,” sey niya.

“Marami kasing nagmemessage sa akin kung magpapabakuna ba raw ako dahil buntis ako. Ayan na po, tapos na ako. Bakit ako nagpabakuna? Covid is real.

“Mas nararamdaman namin na totoo siya dahil everytime na magbubukas kami ng Facebook, ang dami na naming kakilalang namamatay dahil sa Covid. Marami ang biglaan. Marami rin ang mga buntis,” dagdag niya.

“Sinovac ang meron sa Alfonso. Kaya syempre kung ano na ang available, yun na ang kunin ko. Better kaysa sa wala. Hindi naman ako nilagnat nung 1st dose ko. Inantok lang ako, bagsak ako agad, hehe! Pero naligo muna ako bago matulog. 2nd dose, hindi pa rin ako nilagnat o nanghina. Medyo mabigat lang sa arm ko, parang nabangga sa door, ganun lang,” patuloy niya.

Hinikayat niya ang mga buntis na huwag matakot magpabakuna.

“Tanungin nyo ang OB Gyne nyo kung kailan kayo pwede magpabakuna. Ang alam ko may certain months bago magpabakunq. Kaya sa doctor natin tayo makinig. Mas alam nila yan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?