37

Jan 9, 2022 @ 16:51
By

Bagong kaso ng COVID sumampa sa 28K

Bagong record na 28,707 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang naitala nitong Linggo, ayon sa Department of Health (DOH).

Nilagpasan nito ang single-day record na 26,458 na noong Sabado.

Kaya naman lumobo sa 128,114 ang mga aktibong kaso ng virus sa bansa, kung saan 119,276 ang mga mild cases.

Ang kabuuang bilang naman ng mga naitalang kaso sa Pilipinas ay umakyat sa 2,965,447.

Sa mga bagong kaso, 99% ang naganap mula Disyembre 27, 2021 hanggang Enero 9, 2022.

Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa dami ng mga bagong kaso, kasunod ang Calabarzon at Central Luzon.

Nadagdagan naman ng 2,579 ang bilang ng mga nakarekober at ngayo’y 2,785,183 na ang lahat ng gumaling mula sa COVID.

Samantala, 15 ang naitalang nasawi at sa kabuuan ay 52,150 na ang mga buhay na nawala dahil sa virus. (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?