7

Dec 1, 2020 @ 15:33
By

COVID facility sa Marikina ginamit para sa mga leptospirosis patient

Hindi pa man natatapos ang COVID-19 pandemic, may bagong sakit na kumakalat sa Marikina City.

Ito’y matapos na bahain ang karamihan ng lugar sa naturang siyudad dahil sa bagyong Ulysses na nagdulot ng pagkalat ng leptospirosis.

Sa report ng ‘Balitanghali’, sinabi ni Amang Rodriguez Memorial Medical Center director Imelda Mateo na nasa 27 pasyente na may leptospirosis ang tinitingnan sa kanilang ospital.

Kaya naman ang kanilang tent na para sana sa mga COVID-19 patient ay nilagyan na rin ng mga tinamaan ng leptospirosis.

Aniya, kapag nadagdagan pa ang mga pasyente ay kakailanganin na nila itong ilipat sa ibang ospital.

Nanwagan si Mateo na kaagad na magpakonsulta agad kapag nakaramdam ng sintomas ng leptospirosis para hindi na ito lumala.

Aniya pa, magiging 24/7 na ang kanilang dialysis center dahil isa sa komplikasyon ng leptospirosis ay sakit sa kidney.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?