18

Nov 25, 2021 @ 16:31
By

COVID ‘di pa nakokontrol ng ‘Pinas – DOH

Masyado pa umanong maaga para sabihin na nakokontrol na ng bansa ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

“We are not going to declare this soon. We are just coordinating with WHO on the process and the determinants of disease control or containment,” saad ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Huwebes.

Ang pahayag ni Vergeire ay kaugnay ng naunang sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque III na kakausapin niya ang World Health Organization kung maaari na bang ideklara na under control na ang virus sa Pilipinas.

“We can’t definitely say that. Marami pang uncertain na nangyayari sa atin. Na-experience na natin in the past na napababa ang mga kaso but after some time, tumaas pa rin. So we need a longer time to evaluate,” dugtong pa ni Vergeire.

Dagdag pa ni Vergeire, iba-iba rin ang estado ng mga lugar sa bansa pagdating sa pagbabakuna kaya’t mahirap pang sabihin kung nakokontrol na ba talaga ang COVID.

“Maaring ang ating NCR, mataas na ang bakunahan dito, tapos ang ating community response has been intensified. But if we compare to other areas in the country, some of the areas in the country, mababa pa rin ang pagbabakuna,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?