24

Sep 28, 2021 @ 9:12
By

COVID cases sa Benguet lumubo: Dating 20 per day, 400 na ngayon

Lubhang namaga ang bilang ng COVID-19 cases sa Benguet.

Ayon kasi kay Governor Melchor Diclas, mula sa 20 fresh COVID cases kada araw ay umaabot na aniya ito sa 400 kaso.

“Usually po, ang mga cases natin ay umaabot siya ng mga 10 to 20 cases a day. Sa ngayon, may time pong umabot tayo ng 400 plus. Kahapon po, ang kaso natin ay 300 plus,” sambit niya sa isang briefing nitong Lunes.

Ani Diclas, kasalukuyang may 3,184 active cases na ang Benguet kung saan 10 dito ay nagpositibo sa Delta variant.

Dahil dito, pansamantalang isinuspinde ng kanilang lokal na pamahaalan ang kanilang mga tourism activities at nagkasa na din ng mga border controls para maiwasan ang patuloy pang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Ayon sa ulat ng GMA News, nasa 465 katao na sa Benguet ang natigok dahil sa COVID.

Samantala, 55,796 indibidwal na sa naturang probinsya ang fully vaccinated na kontra COVID. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?