30

Jul 17, 2021 @ 18:07
By

COVID cases akyat sa 1.5M

Sumampa na sa lagpas 1.5 milyon ang mga naitalang kaso ng COVID sa bansa ngayong Sabado, Hulyo 17, batay sa tala ng Department of Health (DOH).

Sa ngayon ay umabot na sa 1,502,359 ang lahat ng kaso matapos makapagtala ng ahensya ng 6,040 na panibagong kaso ng virus.

Bukod dito ay nadagdagan din ng 122 ang bilang ng mga nasawi at sa ngayo’y umakyat na ang kabuuang bilang nito sa 26,598.

Samantala, ang mga nakarekober naman ay tumaas ng 7,213 at umabot na sa 1,428,504.

Ang mga aktibong kaso naman ay 47,257, kung saan 93.8% ang mild condition at asymptomatic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?