4

Oct 18, 2020 @ 9:03
By

COVID case sa US 8M na

8,101,940 na ang kabuuang bilang ng mga nahawa sa COVID-19 sa United States. Ito ang bansang may pinakamaraming kaso ng coronavirus globally.

Samantala, ayon din sa Johns Hopkins University, Linggo, 3,220,573 na ang gumaling habang 219,154 ang namatay dahil sa COVID-19 sa Amerika na may populasyong nasa 331 milyon.

Una ito sa global death toll habang pangatlo naman sa global recovery count, matapos ang India (6.5 milyon) at Brazil (4.5 milyon).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?