9

Jan 19, 2021 @ 17:11

Covid case sa ‘Pinas umakyat sa 504K

Pumalo sa 504,084 ang bilang ng mga tao sa Pilipinas na kumpirmadong nagpositibo sa new coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inulat ng Department of Health (DOH) ngayong Martes, Enero 19, ang 1,357 dagdag na coronavirus case. Hindi pa kasama sa bilang ang mga resulta mula sa apat na testing laboratory na late nagpasa ng datos.

Kabilang sa unang bilang ang 27,857 active case.

Pinakamarami ulit na nadagdag sa Davao City sa 130 kaso.

Sinundan ito ng Rizal na may 71, Quezon City sa 66, Pampanga sa 54, at Benguet na may 52 bagong kaso.

Ayon pa sa DOH, tumalon sa 466,249 ang dami ng mga gumaling mula sa COVID-19 matapos dumagdag ang 324 recovery.

Habang 9,978 na ang namatay sa Pilipinas dahil 69 pang katao ang nasawi rin dahil sa nasabing nakahahawang sakit

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?