2

Oct 17, 2020 @ 16:09

COVID case sa ‘Pinas sirit sa 354K

Umabot sa 354,338 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado.

Ayon sa Department of Health (DOH), 2,673 ang dagdag sa mga tinamaan ng coronavirus, dahilan para umakyat din ang active case sa 52,423.

Pinakamaraming dumagdag ay mula sa Rizal na may 185 kaso, sunod ang Cavite (175), Batangas (159), Quezon City (143) at Bulacan (88).

Samantala, lobo naman sa 295,312 ang total recovery sa 539 bagong gumaling sa COVID-19.

Habang bahagyang tumaas ang death toll sa 6,603 dahil sa 73 napaulat na nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: