22

Jun 21, 2020 @ 18:32
By

COVID case sa ‘Pinas, higit 30,000 na!

Lampas na sa 30,000 mark ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa datos ng Department of Health,umabot na sa 30,052 ang total case ng new coronavirus sa bansa sa 653 nadagdag na pasyente.

Sa nasabing bilang, 415 ang tinuturing na ‘fresh case’ habang 238 naman ang pasok sa ‘late case’.

Sa mga fresh case, 219 ay mula sa Metro Manila, 89 ay sa Central Visayas, habang 107 naman sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

177 naman ng late case ay mula sa Central Visayas, 32 sa Metro Manila at 29 sa iba pang area.

Samantala, akyat naman sa 7,893 ang total recovery sa 243 na bagong gumaling sa COVID-19.

Habang tumaas sa 1,169 ang death toll matapos masawi ang 19 pang pasyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?