8

Oct 30, 2020 @ 13:52

COVID case sa Baguio pumalo sa 2,000

Biglang tumaas ang kaso ng coronavirus disease sa Baguio City dahil sa aggressive testing at contact tracing.

Humampas nitong Huwebes ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa City of Pines sa 2,054 matapos madagdagan ng 59 bagong pasyente, ayon sa City Health Services Office.

Kabilang sa mga bagong COVID patient ang isang 2-anyos na babae at isang 83-anyos na babae.

Samantala, nadagdagan ng isa ang COVID death toll ng lungsod matapos magapi ng virus ang 56-anyos na lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?