10

May 17, 2021 @ 15:01
By

COVID case kada araw sa NCR, dausdos ng 27%

Patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila para sa nagdaang linggo, ayon sa datos ng OCTA Research.

Mula May 10 hanggang May 16, aabot sa 1,479 ang average na kaso ng COVID-19 kada araw.

Bumaba ito ng 27 percent buhat nang sumirit ang COVID-19 case sa Metro Manila.

Naitala naman ang reproduction number sa 0.57, habang ang positive rate ay bumagsak din sa 11%.

Samantala, klinasipikang ‘moderate risk’ ang mga siyudad ng Navotas, Malabon, Manila, Taguig, Caloocan, Pasay at Muntinlupa.

Nasa 45% naman ang Health utilization rate, habang 57% ang occupancy rate sa mga intensive care unit (ICU) sa Metro Manila.

Ito’y sa kasagsagan ng huling linggo ng modified enhanced community quarantine sa NCR Plus area.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?