5

Jul 15, 2020 @ 14:26
By

COVID beds sa Lung Center puno na

Naabot na ng Lung Center of the Philippines sa Quezon City ang “full capacity” ng kanilang mga intensive care unit (ICU) bed para sa mga may malala at kritikal na kaso ng COVID-19.

“Napuno na ang aming ICU beds and ICU wings. We dedicated a lot of beds for these patients kasi ang Lung Center, referral ito for severe and critical cases kaya nirereserba namin ang resources ng hospital para dito. But the past two to three days ang bilis napuno,” pahayag ni Dr. Norberto Francisco sa panayam sa DZMM.

Nasa 250 aniya ang bed capacity ng ospital para sa lahat ng pasyente pero naging 169 ito dahil ang ilang kuwarto na dating may apat na higaan ay ginawang single bed na lang para ma-isolate ang mga COVID-19 patient.

Sa 169 kama, 75 porsiyento ang inilaan para sa mga coronavirus patient habang ang natitira ay nakalaan sa mga non-COVID-19 patient.

Sa ngayon may kabuuan nang 57,545 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa bansa kabilang ang 20,459 nakarekober at 1,603 namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?