13

Sep 11, 2021 @ 21:43
By

COVID bakuna nadamay sa sunog sa Ilocos

Isang sunog ang sumiklab sa ikalawang palapag ng Municipal Health Office ng San Nicolas, Ilocos Norte kung saan nadamay ang daan-daang COVID vaccine noong Biyernes.

Ayon sa Facebook post ng lokal na pamahalaan, nagsimula ang apoy dakong alas-7:11p.m. ng gabi at naapula pagkatapos lamang ng halos 30 minuto.

Sa kabila nito, mahigit 400 ang mga bakunang napinsala, kasama na ang mga COVID vaccine at mga bakunang itinuturok sa mga bata.

Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng apoy.

“‘Yung isang medical refrigerator na nasa storage room, nag-malfunction ang compressor nito na posibleng pinagmulan ng sunog,” hinala ng San Nicolas Fire Station.

Wala namang nasawi sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?