31

Nov 6, 2021 @ 10:08
By

COVID alert system ipapataw na nationwide

Simula Disyembre 1, paiiralin na sa buong Pilipinas ang coronavirus alert level system, na unang ipinatupad sa Metro Manila.

“Pagdating po ng Dec. 1, buong populasyon na po or buong areas of the country will be part of the shift in policy at mag-uumpisa na po tayo ng full implementation nito,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa press briefing.

Inumpisahan ang pilot rollout ng COVID-19 alert system na may limang antas kasabay ng granular lockdown noong kalagitnaan ng September.

Ibinaba na ang NCR sa Alert Level 2 mula Alert 3, para mas makapagbukas ang mga negosyo matapos bumaba ang kaso ng COVID.

“Nakita natin in NCR when we started off, it was effective. Nakita natin napababa ang kaso because of these different interventions at sinunod na ho natin ang ibang lugar. Ang aim po natin, mapalawak po natin ang implementasyon sa buong bansa by Dec. 1,” ani Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?