28

Nov 17, 2021 @ 16:49
By

COVID active case sa ‘Pinas bagsak sa 23K

Patuloy sa pagbaba ang aktibong kaso ng coronavirus sa Pilipinas o iyong kasalukuyang may sakit dulot ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health, naitala ang 1,190 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 17.

Sa kabila nito ay bumaba sa 23,846 ang COVID active case dahil sa 2,759 bagong pasyente ang nakarekober sa sakit.

Ang nasabing active case ay pinakamababa buhat noong January 12 kung saan naitala ang 23,532 aktibong kaso.

Kahapon pumatak sa 25,464 ang COVID active case sa bansa.

Samantala, tumalon sa 46,117 ang death toll dahil sa panibagong 309 namatay sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?