9

Jan 13, 2021 @ 21:18
By

COVID-19 vaccine paaabutin sa pinakasulok ng ‘Pinas – Go

Target ng gobyerno na simulan ang rollout ng COVID-19 vaccine bago magtapos ang first quarter ng taon, ayon kay Senate health committee chair Senador Christopher “Bong” Go.

“Sa ngayon po ay ini-expect ng ating national government na, hopefully, bago matapos ang first quarter, makapag-umpisa na tayo makapagturok. Sinisiguro lang natin na safe ang vaccine na bibilhin,” sabi ni Go.

Kasabay nito, hinikayat niya ang gobyerno na paigtingin ang information dissemination campaign para tumibay ang tiwala ng taumbayan sa bakuna laban sa coronavirus disease na ito.

“Ang info campaign, paigtingin pa, at dapat maintindihan po ng bawat Pilipino kung ano bang benepisyo nitong vaccine na ito dahil marami pa pong kababayan natin ang takot at ang attitude, nagtuturuan, kayo muna mauna dahil takot pa sila,” sabi pa nito.

HInnimok din nito ang mga concerned agnecies na tiyakin na magkakaron ng sistimatikong pamamahagi ng bakuna sa buong bansa.

“Ang distribution ng vaccine, dapat aabot po sa pinakasulok ng Pilipinas. Tayo sa Metro Manila, mauuna tayo dahil nandito ang storage. Pero paano po ang mga kababayan natin sa pinakasulok ng Pilipinas? Paano aabot sa kanila ang vaccine?”” ani Go.

“Dapat pag-aralan na ‘di sila mahuhuli, lalo na po ang mahihirap, ni pambili wala po, ni access wala po,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?